SWEET SADNESS: The Sands Chronicles

Wednesday, November 07, 2007

Sincere and Heartfelt Condolences to the Saguisag Family

Nalungkot talaga ako nung nabalitaan ko ang tungkol sa aksidenteng kinasangkutan ng mag-asawang Rene at Dulce Saguisag pati na yung mga kasama nila.

Atty. Rene Saguisag is one of those people I look up to. Shempre, disappointed ako when he became Erap's lawyer sa kaso nito dahil ayoko talaga akay Erap, pero di naman maitatangging magaling siyang abogado. Human rights lawyer siya nung panahon ni Marcos. Naging senador din siya nung panahon ni Cory. Gwapo pa siya hanggang ngayon (lame attempt at humor).

Si Mrs. Dulce Saguisag naman ay prominent figure din sa gobyerno nung nagsilbi siyang DSWD secretary sa panahon ni Erap. Graduate siya ng Social Work sa ngayo'y tinatawag na CSWCD sa UP Diliman.

Stable yet critical daw ang condition ngayon ni Atty. Rene, pero hindi pa ata niya alam na wala na ang asawa niya. Halos maiyak ako nung nalaman ko ito. Para bang nag-play sa utak ko ang possible scenarios kung saan sasabihin kay Atty. Rene na DOA ang asawa niya. Ano kaya magiging reaksyon niya? Shock? Iiyak ba agad siya? Magwawala? Maghihimatay? Ewan ko. Just thinking about it gives me a heavy feeling.

Buti na lamang at ligtas yung dalawa nilang kasama.

Sa kabilang banda, alangan namang matuwa si Arroyo sa nangyari sa mag-asawa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home