Because I'm so depressed...
I'm accepting donations! :p
Sabi ko nga kay Master Ederic, ang hirap pala ng buhay pag nawala ang Treo mo. Sobrang disoriented and disorganized ako ngayon dahil hindi lang yung phone ang nawala sa akin kundi pati na rin ang personal digital assistant ko.
Lahat ng files ko, nasa 2GB SD card na nakasaksak dun sa phone. Lahat ng fanfictions and music files ko. More than 200 fanfictions and 100+ MP3s ang naka-store dun. Yung Contacts ko, zilch. Pinaghirapan ko pa man din ayusin yun. Hindi ko na ma-no-note lahat ng ideas ko habang nag-me-meditate ako sa banyo (alam mo na ibig sabihin nyan). Most of all, wala na akong excuse para mag-puyat dahil sa pagbabasa. Although convenient ang laptop, mas convenient ang PDA ko pagdating sa pagbabasa ng documents dahil kahit sa banyo, dikit sa kamay ko yung phone. Eh pag laptop, ang haggard.
Evidently, sobrang frustrated ako sa sobrang katangahang pinairal ko. Yun na nga lang ang katangi-tanging katas ng blogging na mayro'n ako eh. Yung natira sa blogging earnings ko, dinonate ko pa man din. Hindi naman sa pinagsisisihan ko ang pag-donate, pero sana naisip ko na balang araw ay kakailanganin ko rin pala yung pera. Engot engot ko talaga.
Bwiset!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home