SWEET SADNESS: The Sands Chronicles

Thursday, April 10, 2008

Epekto ng pagkawala ng selpown

Sabi ko sa sarili ko: HINDI NA AKO MAGLALASING MULI! FOREVER AND EVER!

AMEN!

Pero shempre, charing lang yun.

Bukas na naman ang gedit para magsulat. Sa ngayon, may 3 programs na nakabukas sa computer ko: Firefox, GIMP, at gedit. Ang Firefox ay para gawin ang napaka-obvious: mag-internet at mag-email. Ang GIMP naman ay para ayusin ko ng medyo ang mga litratong produkto ng photoshoot ko kanina with my ever growing yet ever shrinking na book collection (open> scale, 15% > rotate, 90% > autocrop img > copy > paste > move > save, 75% quality > close...I seriously need to learn Scripts-Fu). At ang gedit naman, kung saan ako nagta-tayp ngayon, ay para gawin ang ginagawa ko nitong mga nakaraang araw...ang umangal.

Pag nagba-blog kasi ako dati, laging gedit (dito sa Ubuntu) or Araneae (sa Windows XP) ang binubuksan ko. Kadalasan kasi ng blog entries ko dati, scheduled to be published at 12 midnight. Nung mga panahong yun, matatawag kong entertaining ang posts ko dahil kahit papano, medyo lumalabas ang sense of horror...este...humor ko. Ngayon, halos laging diretso na sa write new post page, marahil dahil na rin wala na talaga akong maisulat o maisip man lang na isulat. Pero dahil sa nangyari a couple of days ago, kung kailan ginago ako ni Lady Luck, eh parang lagi kong gustong sumabog.

Naaawa nga sa akin ang mga tao rito sa bahay. Paano ba naman, for months, inseperable kami ng aking mahal na Palm Treo 650. Kahit sa CR, dala-dala ko siya para magbasa habang nakikinig sa musika ng Yu Yu Hakusho, o kaya naman ay sa Pinoy music nina Noel Cabangon, Gary Granada, The Jerks, pati na rin ang mga oldies but goodies songs na paborito ko, tulad ng mga awit ng Toto, EWF, Duran Duran, atbp. Bihira ako mag-online dahil ang lagi kong kaharap ay ang aking trusty phone. Langyang buhay ito, sa isang iglap lang, nawala na rin ang buhay ko dahil nawala ang cellphone ko (bakit ba naman kasi lahat ng scheds ko, ng contacts ko, ng files ko, ng hentai videos ko [buti na lang may backup ako nito], eh nilagay ko run?!). Ang masaklap pa run, in-uninstall ko yung Palm Desktop sa laptop dahil balak ko sanang dito na lang sa Ubuntu i-synchronize yung files ko...na hindi ko nagawa dahil na rin sa katamaran. Gayunpaman, sa maikling panahon ng pagsasama namin ng phone ko, napatunayan ko ang importansya niya sa buhay ko.

Ngayon, if there's one apt word to describe me, yun ay ang salitang FORLORN. Napaka-miserable ng takbo ng utak ko dahil sa mga pangyayaring maaari namang pigilan, pero di ko ginawa. Iba kasi talaga pag intoxicated ka (at katangahan sa lahat ng katangahan, ginawa ko pa yun sa labas ng bahay). Pers taym kong malasing talaga na para bang nag-black out ako (nag-black out naman talaga ako eh, nyeh), maliban na lang last year nung beerday ko't kasama ko rin ang mga kasama ko that one fateful day (except kay Bleue, dahil di pa kami magkakilala nun...pero nagpa-plano kami this coming August dahil isang lingo lang pala pagitan ng kaarawan namin). Pero andito naman ako sa bahay nun, kaya it was relatively safe to get drunk. And get drunk, we did! And in the end, tinulugan ko lahat ng bisita ko dahil lasing na lasing ako.

Iba ang pakiramdam ko ngayong nawala ang pinakamamahal kong PDA phone. Di ko alam what's next in line sa sched ko, o kung anong movies ang inaabangan ko sa HBO, o kung may meet ba ako sa susunod na oras. Naisip ko tuloy, kumusta na kaya si Kevin (na magbabakasyon uli sa US at i-Inglisin na naman kami pagbalik, sigurado), na nawalan ng wallet (which means na ang kanyang UP ID ay gone na rin)? Eh si Bleue, tuloy kaya ang adventures niya bilang isang lakwatsero? Si Aaron James kaya, ano na'ng nangyari sa graduation gayong hindi siya nakapag-exam nung araw na yun?

Higit sa lahat, paano na kaya kami ni Rens? Nawala ang virginity ng aking Multiply fiance dahil sa kalasingan naming lahat. Ano pa ang future na naghihintay sa amin? (Joke lang, Rens. :p Di mo rin naman mababasa ito dahil nasa Ilocos ka. Pero tenchu pa rin dahil di mo ako pinabayaan at hinatid mo ako. Kwentuhan mo ako sa mga nangyari next time na magkita tayo.)

I can almost hear my mom amusingly remarks that I'm in worse shape than when I broke up with my now ex-boy toy a couple of years ago (wow, it's been THAT long?!). Yun kasi ang sinabi niya nung namatay ang aking beloved puppy na si Bullet. Isang buwan akong nagluksa, at hanggang ngayon ay di ko pa rin lubusang tanggap ang pagkawala niya (c'mon, I mean, try to sleep with your dog for a year; I'm sure talagang ma-a-attach ka ng husto sa kanya). Ngayon naman ay selpown ko ang nag-byebye. Bwiset na buhay itech.

Sa sobra na rin sigurong pitiful ng aking condition, my dad has offered to lend me some money to buy another phone. Actually, di ko naman talaga KAILANGAN ng cellphone, pero iba pa rin ang convenience na naiooffer ng isang PDA phone. At nasanay na rin ako sa buhay Treo-owner. Of course, ang aalalahanin ko ngayon ay kung paano ko babayaran si tatay gayong nag-stop na ako sa site monetizing. Hey, gimme a break. I never asked. He just offered. And coming from my dad, that means a lot 'cause he's most of the time very strict when it comes to money (maybe it goes with working in a bank for almost 20 years) except when it comes to furnitures (lalung lalo na sa TVs!!!). High school nga ako, P10 lang, ipinagdadamot pa. ^_^

But then, maybe it's because I'm gonna have to pay him back. And he knows I'm a responsible money-handler (heh, namana ko siguro sa kanya). So hopefully, one of these days ay matigil na rin ang complaints ko sa buhay.

Remind me to wisen up next time, eh?

And to you...yes, you. Shut up. I know a lot of Filipinos have problems bigger than mine (heck, rice crisis and all), pero am I not allowed to let off steam once in a while? (buti na lang dito ko sa Multiply pinost...kung sa Misteryosa, tanginertz na naman ang reaksyon niyan...hello Manny Pacquiao! People who've known me for at least 2 years know what I'm talking about...lalo na on me being pseudo-prog and all...right, Ange? :p)

Sa ngayon, raket muna ng raket sa pagiging online bookseller at freelance writer & designer. Sayang pa rin ang pera.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home