SWEET SADNESS: The Sands Chronicles

Wednesday, April 30, 2008

Boto ko para sa Top 10 Emerging Influential Blogs in 2008

Medyo pahirapan ito ngayon ang pagpili ng mga maiimpluwensiyang blogs, kasi naman bihira na ngayon ang mga bagong blogs na matatawag kong..."influential."

Isa pa, isa akong personal blogger, kaya expect na wala kayong makikitang "money-making websites" dito.

Pero kahit ganun, expect na may makikita kayong political blogs dito.

Di ko na siguro i-e-explain kung bakit ko binoto ang mga iboboto ko. Basta binabasa ko lang ang mga blogs na ito, at palagay ko kahit papano'y may impluwensiya sila sa blogosphere. Pero dahil iba ang iniikutan kong mundo ng blogosphere sa iniikutan mong mundo ng blogosphere, eh malamang di mo alam karamihan ng mga iboboto.

Eh palagay ko nga, di ako aabot sa sampu eh. Siguro hanggang lima lang ako. Di ko alam kung dadagdagan ko pa ito, dahil sa palagay ko, kakaunti na lang ang mga bagong blogs ngayon na matatawag kong may impact sa blogosphere.

As usual, Pinoy blogs ang iboboto ko. Kawawa naman ang mga blogs sa ibang bansa, pero mas in tune kasi talaga ako sa Pinoy blogs. Marami akong binabasang foreign blogs pero matagal ko na silang kilala kasi, bago pa man umusbong ng husto ang blogging sa Pilipinas.
  1. Filipino Voices - Collaborative blog ng iba't ibang political and not-so-political bloggers, anuman ang ideolohiyang sinusundan nila...Well, judging from some bloggers na napasama 'run anyway.
  2. New Philippine Revolution - Abot ito! Ewan ko ba, basta hooked ako sa blog niya. Actually, kung tutuusin, nito nito ko lang din nalaman ang blog niya eh, ilang buwan pa lang. Pero, basta, lagi kong binabasa.
  3. Visit Sagada - Call it pitching na rin for this blog. Gusto ko rin kasi makapunta sa Sagada. Tsaka free online advertisement na rin ito, hehe. Malaki ang potensyal nitong maging isang maimpluwensyang tool para sa turismo sa Sagada.
  4. The NOT So Talented Mr. Montano - Tinatanong pa ba 'yan? Pangalang Brian Gorrell pa lang, alam mo na.
Eto yung listahan ng mga binoto ko last year. Eto naman yung mga pag-a-alinlangan ko sa writing project na ito na sinulat ko after nung event.

1 Comments:

  • At 3:58 AM, Blogger Kevin Ray N. Chua said…

    Please check out the Mar Roxas for President in 2010 Blog at http://marroxas2010.blogspot.com

    ORAS NA! ROXAS NA!

     

Post a Comment

<< Home