Oh, what a revelation!
In the span of 1 day, I've been demoted/promoted (depends on how you look at it) from blogger to shrink.
Yan ang sabi ko almost 2 weeks ago.
Pero ang totoo niyan, nauna akong naging shrink bago ako naging blogger.
It's nothing new na marami akong kaibigan na nagco-confide sa akin dati, when I was younger. Sabi nga nila, ako ang ultimate choice pag hihingi sila ng adviser ng mga nakakakilala sa akin. Malupit daw ako magbigay ng advice; sagad sa buto at tagos sa puso.
Psychic nga ako kung tawagin ng iba dahil alam ko raw kung may problema ang isang tao kahit hindi niya sabihin. Malakas ako makiramdam pagdating sa feelings ng ibang tao. Maingat.
Pero lahat yun ay naglaho nung nag-3rd year high school ako (syet, dramatic).
Marahil alam ng iba kung anu-ano nangyari sa akin nung 3rd year that eventually led to my stopping school. Na-alienate din ako sa father's side ng family ko dahil sa mga nangyari na yun, pero buti na lang at kahit papano ay tight ang bond namin ng mga insan ko kaya hindi rin ako masyadong nahirapang mag-cope sa mga pangyayari. Pero yung mga tito at tita...it's another story. Lalo na nung ni-reveal ko sa isang Friendster bulletin ang mga sentimyento ko noong mga araw, linggo, at buwan na lumayas ako ng bahay at natutong mabuhay mag-isa, sa tulong na rin ng nanay ko at ni ate Susan. Si lola, iniyakan lang ang predicament ko at sinabing mag-stay na lang ako sa Marikina (iyakin kasi talaga yang si lola...sa kanya ako nagmana, hehe). Nanirahan sa isang boarding house habang nag-aaral (although fluctuating yung attendance ko...50% ng school year ay di ako pumasok), nagpunta ng Baguio ng isang buwan para "magpahinga," umiyak araw-gabi para ilabas lahat ng hinaing ko sa mundo.
Simula noon, naging...callous...ako. Manhid, to a point. Malaki ang pinagbago ko, at maraming tao ang nakapansin nun. Di na ako ang masayahing si Shari. Para na akong wa care sa mundo, basta mag-survive lang ako bawat araw ng hindi nasasaktan ang feelings ko ng sobra. Naging maingat ako sa pakikipagkaibigan. Naging maingat ako sa pakikihalubilo sa ibang tao. Naging maingat lalo na pag involved ang feelings ko.
May mga tao na, when I most needed them, eh inabandona ako. Kung kailan ko kailangan ng understanding, dun sa punto ng buhay ko ipinagkait yun. Kaya ngayon, kakaunti lang ang matatawag ko na kaibigan. Samantalang dati, naive ang definition ko ng kaibigan, dahil lahat ng tao, para sa akin, ay kaibigan ko (except for the leeches they call politicians). Na dahil nandoon ako para sa kanila all throughout the storms in their lives, in-assume ko na ganun din ang gagawin nila para sa akin. Pero hindi pala, may mga hangganan pala ang suporta at pang-unawa.
Nagalit ako sa mundo. At blogging lang ang naging solusyon ko para mapahupa ang hindi kaaya-ayang pakiramdam na yun. Mahirap kasi magdala ng galit sa puso eh, mabigat sa pakiramdam.
Ang hirap pa 'run, ang galit ko ay mostly directed sa sarili ko. Lahat ng nangyari, kasalanan ko rin naman. Kumbaga, sa lahat ng problema ko nung bata ako na tinago ko kung ano ang tunay kong nararamdaman, sumabog lahat bigla dahil sa iisang pangyayari. Di ako proud sa naging reaksyon ko. Noong mga panahon na yun, ang inisip ko lang ay kung paano ako makaka-survive sa punto na yun ng buhay ko nang hindi magbe-break down ng husto.
Oo, inaamin ko, suicidal ako. Ilang beses na rin akong nagtangka during the years na naghihirap ang puso ko. I didn't know pa'no ihandle yung ganuong problema, kasi sanay lang akong ihandle ang problema ng iba. Hindi ko akalain na yung mga nangyayari sa iba ay maaari rin pa lang mangyari sa akin. Kasi shempre, alam niyo naman, madaling magsalita pag hindi ikaw ang agrabyado.
Inamin ko sa sarili ko na mahina ako. Di ako kasing tatag tulad ng iniisip ng iba. I'm an emotional and psychological mess, to put it simply. Kaya ang nagiging scapegoat ko ay ang blogs ko, dahil kahit papano, kahit di man ako maintindihan ng mga tao, at least may'ron akong mapaglalabasan ng mga iniisip at nararamdaman ko.
I want someone to listen, not just merely hear what I have to say. And I think I've found it in the form of blogging. Even if my blog can't talk back, the notion that it's "listening" is enough of a comfort for me.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home